Welcome Anonymous! Please Login or Register       
YirmeYAH.NET :: Search
Forum Index  ·  Search  ·  Usergroups  ·    ·  Edit your profile  ·  Members  ·  Log in to check your private messages
Arcade  ·  Ranks  ·  Staff  ·  Statistics  ·  Board Rules  ·  Forum FAQ  ·  Log in

Search for at
YirmeYAH.NET Advanced Search

Search found 678 matches
YirmeYAH.NET Forum Index
Author Message
  Topic: Nagtayo ng Tunay na Iglesia: Ang Dios Ama o si Cristo?
teng

Replies: 17
Views: 3727

PostForum: MCGI Alleged Contradictions   Posted: Tue Jan 05, 2010 4:32 pm   Subject: Re: Nagtayo ng Tunay na Iglesia: Ang Dios Ama o si Cristo?
NuGamma1998 wrote (View Post):

yap dude! naunawaan talaga namin yan  k


John 12:49
For I have not spoken of myself; but the Father which sent me, he gave me a commandment, what I should say,
and what I should speak.


Salamat naman at naunawaan ninyo na nagtayo ng bahay si Jesus para sa Ama.
Dahil lahat ng mga hula sa mga awit at propeta, tinupad niya. at ang isa roon ay...

2Sa 7:13  Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.

Kaya nagsalita si Pedro at Jesus dahil galing sa Ama.

ang sabi ng Ama, ipagtatayo siya ng Anak ng bahay ang kanyang pangalan.




_
  Topic: Nagtayo ng Tunay na Iglesia: Ang Dios Ama o si Cristo?
teng

Replies: 17
Views: 3727

PostForum: MCGI Alleged Contradictions   Posted: Tue Jan 05, 2010 2:46 am   Subject: Re: Nagtayo ng Tunay na Iglesia: Ang Dios Ama o si Cristo?
NuGamma1998 wrote (View Post):

LOL!  Come on! go go!

Mat 16:17 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanya, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat hindi laman at dugo ang nagpahayag nito sa iyo kundi ang aking Ama na nasa langit.


Unawain ninyo ulit ang talatang ito.

Mat 16:17  At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.

Ang sabi ng talata ayon sa SAGOT ni Pedro, kaya niya nasagot ng maayos dahil yon ang sabi ng Ama kay Pedro.
At ano naman ang sumunod na talata?

Mat 16:18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Maliwanag na si Kristo na ang nagsasalita. Sa verse 17 maliwanag na sinabi ni Kristo na yong sagot ni Pedro galing sa ama.

At sumunod na verse ang nagsalita na si Kristo kaya nga ang sabi niya ..."At sinasabi ko naman sa iyo" na si Kristo naman ang nagsasalita na ang sabi niya ... "ay itatayo ko ang aking iglesia". Bakit niya sinabi na itatayo niya ang iglesia? Yung sinabi ba ni Kristo ay utos ng Ama gaya ng kay Pedro?

2Sa 7:13  Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.

Si Jesus naparito para tuparin niya ang mga hula sa kanya na nasa mga awit at ng mga propeta.

Luk 24:44  At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.

Huwag kayong panatiko.

_
  Topic: Nagtayo ng Tunay na Iglesia: Ang Dios Ama o si Cristo?
teng

Replies: 17
Views: 3727

PostForum: MCGI Alleged Contradictions   Posted: Tue Jan 05, 2010 2:06 am   Subject: Re: Nagtayo ng Tunay na Iglesia: Ang Dios Ama o si Cristo?
NuGamma1998 wrote (View Post):
John 12:49

For I have not spoken of myself; but the Father which sent me, he gave me a commandment, what I should say, and what I should speak.


Father said to Jesus ...

2Sa 7:13  He shall build an house for my name, and I will stablish the throne of his kingdom for ever.

Then Jesus said...

Mat 16:18  And I say also unto thee, That thou art Peter, and upon this rock I will build my church; and the gates of hell shall not prevail against it.

_
  Topic: Alam ba ng Ama ang Araw ng Paghuhukom?
teng

Replies: 11
Views: 3492

PostForum: MCGI Controversial Doctrines   Posted: Sun Jan 03, 2010 6:30 pm   Subject: Re: Alam ba ng Ama ang Araw ng Paghuhukom?
tyrone wrote (View Post):
AMen!!! ASTIG ang pagkapaliwanag ni Bro.Eli... Mukha ngang mali at may pagkakontra ngunit kung ating aanaylse ito nga ay tama. Agree ako sa mga talatang binanggit ni Bro.Yirm na pwede ngang iurong ng Dios ang kanyang paghuhukom o ang kanyang parusa depende sa sitwasyon ng mga pinaggagawa ng mga tao.  
Nakakayanig nga ito sa mga ibang religion dahil mukha nga ito mali pero ito ay tama at nasa reality. Salamat sa Dios pinagkalooban tayo ng isang mangangaral na talagang pantas sa biblia at nakaka alam ng kalooban ng Dios di tulad ng mga iglesia ni cristo ni manalo na inabot ng malas dahil walang alam sa biblia ang kanilang tagapagturo nila.


Yung ibinigay na pangyayari na pag urong, kung iintindihin ninyo, nagpadala ang Diyos ng mga mensahero para magsisi. Bago manggunaw ang Diyos kailagan muna niyang balaan ang mga tao bago isagawa ang kanyang itinakda.

Iba ang sitwasyon sa paghuhukom at wala ng urungan yon. At may biblia na sa buong mundo upang magsilbing babala sa makaririnig o makababasa. Kaya wala ng dahilan para iurong pa ng Diyos ang paghuhukom.

_
  Topic: Alam ba ng Ama ang Araw ng Paghuhukom?
teng

Replies: 11
Views: 3492

PostForum: MCGI Controversial Doctrines   Posted: Sun Jan 03, 2010 6:10 pm   Subject: Re: Alam ba ng Ama ang Araw ng Paghuhukom?
YirmeYah wrote (View Post):
Quote:
Bawat diwang ipapaliwanag ni Bro.Eli mula sa bible ay yumayanig sa buong religious world, diwang kailanman ay di kayang pamalian, magsama sama na silang lahat na mga bulaang ministro, pastor at pari..


AMEN!!! Nakakayanig talaga sa religious world mga binibitiwang pahayag ni Bro. Eli. Di mo yan maririnig sa ibang mga pastor. Napagkakamalian lang siya kung minsan pag sinasabi niyang may di alam ang Dios, may di kayang gawing ang Dios, etc. pero kung pakikinggan mo mga paliwang niya, masasabi mo na lang "OO NGA 'NO". Sensible kasi mga sinasabi niya.


Mat 24:36 "Subalit tungkol sa araw at oras na  iyon  ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, ni ang Anak kundi ang Ama lamang. (ABAB)

Mar 13:32 "Ngunit tungkol sa araw o oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama. (ABAB)

Ang sabi walang nakakaalam (verb)... present tense. Si Jesus nagsasalita sa oras at araw na yon (2000 years ago) na ang sabi niya walang nakakaalam, kundi ang Ama lamang. Eh di alam nga ng Ama ng sinasalita ni Jesus yon.

Act 1:7 At sinabi niya sa kanila, "Hindi ukol sa inyo na malaman ang mga oras o ang mga panahon na itinakda ng Ama sa pamamagitan ng kanyang sariling awtoridad.

Kaya ang araw at oras ng paghuhukom naka set-up na yon at alam ng Ama yon.

_
  Topic: Sumampalataya kay Jesus ligtas na ba?
teng

Replies: 27
Views: 5584

PostForum: Born-Again Movements   Posted: Sun Jan 03, 2010 5:43 pm   Subject: Re: Sumampalataya kay Jesus ligtas na ba?
peejayd wrote (View Post):
sa Biblia, ang aral ay magkalakip palagi ang pananampalataya at mabubuting gawa...


Dahil ang pananampalatayang walang gawa ay patay. Kaya ang tunay na kahulugan ng pananampalataya ay may kalakip na gawa.


_
  Topic: Sumampalataya kay Jesus ligtas na ba?
teng

Replies: 27
Views: 5584

PostForum: Born-Again Movements   Posted: Sun Jan 03, 2010 5:38 pm   Subject: Re: su mampalataya kay Jesus ligtas na ba?
[quote="Frank";p="9145"]
teng wrote (View Post):

Si Pablo lang ba talaga ang pinakapuno o isinugo sa mga Gentil at walang iba? Sigurado ka diyan? Anong talata?


Col 1:23  Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.
Col 1:24  Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia;
Col 1:25  Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios,

Gal 2:7  Kundi bagkus nang makita nila na sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli;
Gal 2:8  (Sapagka't ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil);

Kaya ang pamumuno sa mga gentil pinangungunahan ni Pablo.

_
  Topic: Nagtayo ng Tunay na Iglesia: Ang Dios Ama o si Cristo?
teng

Replies: 17
Views: 3727

PostForum: MCGI Alleged Contradictions   Posted: Sun Jan 03, 2010 5:24 pm   Subject: Re: Nagtayo ng Tunay na Iglesia: Ang Dios Ama o si Cristo?
Frank wrote (View Post):

Ano ang ginawa ni Cristo nung nagkatawang-tao siya?

"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya."

Mateo 16:18
Ang Dating Biblia

Si Cristo ba ang nagsasalita sa talatang yan?


Mat 16:17 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanya, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat hindi laman at dugo ang nagpahayag nito sa iyo kundi ang aking Ama na nasa langit.
Mat 16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya.

Nagtayo ba ng bahay si Jesus para sa Ama?

2Sa 7:13 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.

_
  Topic: Ang Diyos ba pwedeng magsinungaling?
teng

Replies: 97
Views: 20833

PostForum: Bible Study   Posted: Sun Jan 03, 2010 5:18 pm   Subject: Re: Ang Diyos ba pwedeng magsinungaling?
peejayd bago ka mangilabot patunayan mo muna kung sa lahat ng pagkakataon ay masama kung magsinungaling.

_
  Topic: Pagtawag na Kuya kay Bro. Daniel Razon, mali ba?
teng

Replies: 39
Views: 2158

PostForum: MCGI Basic Doctrines   Posted: Sun Dec 13, 2009 6:15 pm   Subject: Re: Pagtawag na Kuya kay Bro. Daniel Razon, mali ba?
Brix wrote (View Post):
[
So hindi mo nga alam format ng paggawa ng sulat nung mga apostol?  Aminin.

Alam ko, eh ikaw lang ang hindi nakaaalam dahil low IQ ka sa biblia.
ang usapan pagtawag na person to person. ang ibinibigay mo, paglalahad ng kalagayan gaya ng matanda sa iglesia, guro, apostol, propeta, ama. Pero ikabit sa kanilang pangalan upang maging katawagan gaya ng "Amang Pablo" "Gurong Pablo" ay pinagbabawal sa igllesia. Pero kung sabihin nila ang kanilang kalagayan sa kapatiran na siya ay ama, guro, apostol, matanda, walang paglabag roon. Ang pinagbabawal yung magpatawag na person to person ay tatawaging siyang "Gurong Pablo", pero hindi maikakaila na guro si Pablo.


Quote:

Bakit ipagbabawal eh hindi nga ginagamit yung pang-iglesia.  Yung "Kuya" ginagamit sa tv na panglabas, pano mo ipagbabawal yun?  Engot.

Magsalamin ka at ikaw ang engot. Anong pang tv ang pinagsasabi mo. eh sa gitna ng kapatiran ninyo tinatawag ni Daniel na "Kuya" at maging mga lolo na sa laman ang tawag kay Daniel "kuya". Pati nga si Sis Luz na mas may edad kay Daniel eh kuya rin ang tawag niya sa kanya. Ikw hindi ba kuya rin ang tawag mo kay Daniel?

Quote:

Eh dahil nga sa biblia hindi masama yun eh, si Juan nga tinawag niya ang kanyang sarili na "Ang Matanda". Aminin mo na lang kasi na hindi mo alam ang format ng sulat ng mga apostol.

Kung kasama kita sa diskusyon... ikahihiya kita.
ang pinagbabawal yung person to person. Gaya ng tawagin nh sinoman sa iglesia na tawagin si PAblo na "Gurong Pablo" o kaya "Rev. Pablo". Ang pinagbibigay mo mga kalagayan niya sa iglesia.

Ang ibigay mo na pagkatawag na deretsahan na person to person.

Quote:

BRIX:  Ano talata na ang kuya at ingkong ay katumbas ng pinuno o panginoon?

TENG:  Ang salitang “kuya” at “ingkong” ay ginagamit ng mga pilipino. Kaya sa kaugaliang pilipino tayo babatay.

Lokoloko.  So wala ka ngang tatata sa Biblia na mapagbabatayan?


Ikaw ang loko-loko. ang salitang kuya at ingkong ay gamit ng mga pilipino. Eh di kailangan nating pagbatayan ang kaugalian ng mga pilipino.

Pero sa igllesia may kaugalian rin. Kung may tinatwag kang ama bilang paggalang mo sa mga matatandang tao, Hindi mo uugaliin yon sa igllesia. Kung may tinatawag kang kuya bilang paggalang sa mga ginagalang mo gaya ng mga pinuno, boss, o sa amo, hindi mo uugaliin yon sa iglesia.

Bakit tinatawag ng mas may edad sa kanya si Daniel na kuya? eh isa na nga si sis Luz na nakiki-kuya, eh mas matanda yon kay Daniel. Ganoon rin ang pagtawag kay Soriano na "Ingkong" eh mas lelong pa nga sa kanya. Ikaw lang kung mga kabataan ang tatawag kay Daniel na kuya dahil mga bata ito dahil likas na magagalang ang mga pilipino. Pero eh mas matanda sa iyo sa laman, eh bakit ka papayag na tawaging kuya o ingkong di naman apo na kaanak?

Kaya ang pagtawag ng ganoon sa kanila na "kuya" o "ingkong" na mas nakatatanda sa kanila, ibig sabihin may pagtataas na nangyayari. Ang sabi ng biblia ang mga ganoon ibinababa.

Quote:

So establisado na wala kang batayang talata.  Amen.

May sinasabi nga... pagmamataas yon.


Quote:

Pinaghalo halo ma naman ang di magkakalapat eh.  Ipapakita ko sa yo kung gaano ka katanga:


ang tanga ikaw... bobo sa biblia.

Quote:

And call no man your father upon the earth: for one is your Father, which is in heaven.

Ano ang bawal na pang address?  "Father"  So kapag ipanatutungkol ay salitang "father", bawal yun.  So ano dapat ang ipang address?  Kapatid!  Dahil yung addrss na "Ama" bawal!  Eh kung samahan ko ng pangalan, "kapatid na Pablo" pwede, kaya nga yun ang ginawa ni Pedro.  Brother Paul ang malinaw nakasulat at hindi mo mabubura Teng.


Bobo, ang bawal yung magpatawag. Si Pablo pwede niyang sabihin na ama siya, kaya nga may tinatawag siyang mga anak. Pero bawal na patawag siyang "Ama" dahil may iisang Ama sa iglesia.

Ang hina ng IQ mo. Hindi lamang brother paul ang nababasa sa english kundi brother timothy rin pero hindi person to person ang pagkatawag. Ipinakikita na si PAul at Timothy ay kapatid sa iglesia.

Si Pablo sinasabi niya na apostol siya pero wala pang mababasa na nagpatawag siyang person to person na "Apostol Pablo"

Quote:

So icaclarify ko laman, pwede bang itawag sa iglesia ay grandmother?  Oo o hindi?  At kaya mo bang tindigan ang sagot mo dito?


Hindi nga pwede sa iglesia. Yung sinasbi ni Paul sa babae dahil lola niya yon sa laman. Pero magiging katawagan sa iglesia na tatawagin siyang lola person to person ng hindi naman niya apo sa laman at tatawaging siyang lola mali yon ayon sa biblia dahil lahat magkakapatid.


Quote:

Ano talata na dapat specific?

Hindi ba yon ang utos dapat specific?


Quote:
 
Pero hindi ka naniniwala ng 100% sa stand ni Eliphaz?  So in essence, hindi karin naniniwala sa 100% sa stand nung dalawa niyang kaibigan?


Kung ang stand ng 3 ay panlaban kay Job, !00% akong laban sa kanila. Pero kung stand nila ay kung ano ang ginagawa ng Diyos sa mga masasamang tao o sa mga likas ng gawa ng Diyos !00% akong panig sa 3.

Kasi ang mali lamang nila yung paratangan na masamang tao si Job dahil matuwid si Job at hindi siya lumalakad sa daan ng mga masasama na "Ang DAting Daan" na tinutukoy ng 3.

Magbigay ka nga ng mga maling sinabi ng tatlo sa likas na kalagayan ng Diyos at sa kanyang ginawa?
Mga patang kay Job na masamang tao siya lahat yon puro mali. Pero yung pagsasabi nila tungkol sa kalikasan ng Diyos, kung ano ang ginagawa ng Diyos sa mabubuti at masasaam, walang maling sinasabi ang tatlo.


Quote:


Aabangan ko sagot mo dyan Teng ha.


Matuto ka lang maghintay.

Quote:

Hindi ko nakelangan yan dahil establisado na hindi ka 100% naniniwala kay Eliphaz.  Kung hindi ka naniniwala sa isang parte ng sinabi ni Eliphaz, bakit sa ibang parte naniniwala ka?


Yung tatlo, lingkod rin ng Diyos. Kaya nga sumasampalataya rin sila sa Diyos ni Job. Yon nga lang naging inosente sila sa mga nangyayari tungkol kay Job at nagkasala ang tatlo. hindi naman masasamang tao ang tatlong ito. sila ay gaya rin ng mga lingkod ng Diyos na nagkakasala. Kaya nga pinatawad sila dahil hindi naman mortal ang kanilang nagawa. Hindi naman sila masasamng tao gaya ng mga walang Diyos.

Kaya ang hamon ko sa iyo magbigay ka ng maling sinabi ng tatlo sa kalikasan ng Diyos at sa kanyang mga gawa.
ang pagkakamali ng tatlo ay paratangan na masamang tao si Job na malupit raw na tao at lumalakad sa "Ang Dating Daan" na nilalakaran ng mga masasama. Eh hindi naman lumalakad roon si Job kundi sa "Ang Mabuting Daan"

_
  Topic: Pagluhod sa Silangan
teng

Replies: 32
Views: 4145

PostForum: MCGI General Discussions   Posted: Sun Dec 13, 2009 5:06 pm   Subject: Re: Pagluhod sa Silangan
Brix wrote (View Post):

Edi wala karing pakialam kung sabihin kong inconsistent ka dahil sa ibang thread sinagot mo punto por punto at sa iba hindi.

Tsaka obvious naman na ipit ka lang kaya hindi mo sinasot yung ibang punto kaya ganon.[quote]

Ako maiipit mo in your dreams. At wala kang pakialam at hindi ninyp ako palamunin. Ang iba sa munggo at lugaw lang eh bumibigay na. Bakit mo ako didiktahan sa gusto kong gawin? Maliwanag ang sina bi ko ang lahat ng dapat kong sagutin ay nasagot ko. Kung hindi tutol ka... manigas ka.


[quote]
at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.

Kalokohan.  "Siya" nga yung papalapitin eh.  Yun yung prinsepe.  Napakaliwanag nun sa talata Teng, huwag mo kaming gaguhin.  


Ang sabi … “ At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila:” … Hindi ako ang gumagago sa iyo kundi ang nagturo sa iyo na na nagpapakilalang prinsepe na pinalapit daw kuno ng Diyos.  Kaya nga ang sabi….  “sino yaong nangahas upang lumapit sa akin?”

Ang sabi ni Kristo…

Joh 14:6  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.

Meron ipinadala ang Ama sa pamamagitan ni Kristo upang ang mga tao ay makalapit sa Diyos. Kaya nga nakalapit ang mga sumampalataya dahil kay Kristo.

“ at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.  At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.”

Kaya yung lalapit at sinabi sa kanila … “At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios”. Yung “siya” ron sa talata, yon ang bayan na lumapit.

Kaya nga ang sabi ni Santiago…

Jam 4:8a  Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo.

At ang mga sumampalataya ay nakalapit sa pamamagitan ng prinsepe na nagpupuno sa kanila na ang Panginoong Jesus.

Quote:

Magkaiba nga kami sa Judio at  Muslim.  Sila humaharap sa akala nilang lugar ng Dios.  Kami hindi ganon.  Kami humaharap sa silangan dahil sa kaayusan.


Bakit nga nagkaroon ng kaayusan? Asan sa biblia. Lahat naman ng inuugali ng mga mananampalataya sa iglesia may kaayusan at ipinakikita kung bakit.

Quote:

Kung naganap na sa panahon nagkatawang tao si Cristo ang sinasabi mo, so ang natatakan lang ay ang lumang tipan?


Ano lumang tipan? Ang lumang tipan mga kautusan ni Moises o yung nasusulat sa Torah. Pero yung mga sulat ng mga propeta o mga inihula nila, hindi lumang tipan yon. Wala talaga sa IQ ang pinagsasabi mo.

Quote:

Ipit ka lang kasi kaya yan ang sinasabi mo.  Aaminin ko na naipit ka kaya hindi mo masagot ang tanong ko.   Pagkakatawang tao nga ang tinutukoy ko at ipapakita ko sa iyo:

TENG:  Saang direksiyon nagmula?... eh di sa langit. Hindi ba nandoon ang talagang Araw?

BRIX:  Lusot ka pa.  Ang Kristo ay nagsimula mangaral sa Dakong Silangan.  Bobo.

TENG;  Papaanong nasa  Silangan kung dinala na sila sa Gitna ng Jerusalem? Ibig sa sabihin ang iniligtas o mga sumampalataya nasa gitna na ng Jerusalem.
Ang lahat naman ng nangyayari noon animo lamang ng darating. Ang nangyayari sa inyo paurong imbes na paabante.  Noon sa Jerusalem sa lupa, sila pumupunta o humaharap sa sa direksiyong ito. Pero sa ngayon ang diireksiyon natin nasa Jerusalem sa langit. Ang kaharian ni Kristo, ang paraiso… ang iglesia.

BRIX:  Pero san nag-umpisa nangaral si Cristo?  Saang direksyon nanggaling si Cristo?

So sa second statement ko na "Lusot ka pa.  Ang Kristo ay nagsimula mangaral sa Dakong Silangan.  Bobo."  Makikita mo dyan na ang tinutukoy ko ay ang pangangaral nung nagkatawang tao si Cristo hindi ba?

So ngayon napakita ko na yung diwa, pakisagot na yung tanong.  San nag-umpisa nangaral si Cristo nung nagkatawan tao siya?  Saan direksyon, sa kanluran o silangan?


Ako maiipit mo... in your dreams

Umamin ka muna na wala kang sinabi sa pagkakatawang tao nung una dahil engot ka. Kung hindi ka umamin hindi ako sasagot sa ikalawa mong tanong na nasa pagkakatawang tao na.

_
  Topic: Hula sa Zacarias 13:8-9
teng

Replies: 21
Views: 1210

PostForum: MCGI General Discussions   Posted: Sun Dec 13, 2009 4:49 pm   Subject: Re: Hula sa Zacarias 13:8-9
Brix wrote (View Post):

Hindi ganon ang nakasulat.  Ang sabi, magmumula yung prinsipe sa gitna nila.  Ibig sabihin, yung prinsipe kasama sa bayan.  At yung bayan hindi katutubo sa Dios kundi magiging sa Dios.  Lalabas Teng dito sa kalokohan mong ito na ngayon mo lang naisip, si Cristo magiging Dios palang niya ang Ama pero dati hindi!


Low IQ ka kasi. eh ano ba ang pinagkaiba rito?

Deu 18:15  Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig;

Act 3:22  Tunay na sinabi ni Moises, Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo'y sasalitain niya.

Kaya yung bayan na tinutukoy riyan, yung mga pinag kaisa sa isang katawan.

Jer 30:21  At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
Jer 30:22  At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.

Quote:

Wala kaming sinabing direkta.  Ang punto dito, hindi pangahas si Bro.Eli dahil ang sabi ng talata ang maglalapit ay ang Ama.  Yung leader hindi kusang lalapit sa Ama. Kundi palalapitin ng Ama. 


May pinadala ngang prinsepe ang Diyos. at yon ay si Kristo. Siya ang ginawang tagapamagitan upang makalapit sa Ama.
Walang makagagawa niyan kundi si Kristo. Kaya sa pamamagitan ni Kristo, sila'y magiging bayan ng Diyos at ang Diyos nila ay ang Ama.


Quote:

At si Cristo, hindi na kelangan lumapit sa Ama dahil malapit na talaga yun sa Dios.

hindi naman ang prinsepe ang pinalalapit kundi ang mga sumampalataya at pinalapit sila ni Kristo sa Ama.

Imposiblle na si Soriano yan o iba pang magpakilala na siya ang prinsepe... sinungaling yon.

_
  Topic: Hula sa Zacarias 13:8-9
teng

Replies: 21
Views: 1210

PostForum: MCGI General Discussions   Posted: Fri Dec 11, 2009 6:11 pm   Subject: Re: Hula sa Zacarias 13:8-9
Brix wrote (View Post):
teng wrote (View Post):

Ang tinutukoy riyan si Kristo. Basahin mo ang buong chapter 30.
Gaya rin ito ng hula ni Moises.

Bobo, bopol at nuknukan ka ng tanga Teng.  Hindi si Cristo yun, dahil, umpisa palang, malapit na si Cristo sa Ama.  Hindi papalapitin ng Ama si Cristo, ano ka!  Hahaha!  


BOBO. Ang tinutukoy na prinsepe si Kristo.
Ang palalapitin yung bayan na hindi naman niya bayan.
Mga tao na nasa bayan at maglalapit non si Kristo.

Quote:

Ang inaangkin ni Bro.Eli eh sya yung papalapitin ng Ama sa kanya dahil ang sabi niya, hindi siya pangahas.  Dahil ang sabi ng talata:


Ano si Soriano pinalalapit ng derekta sa Ama na di dadaan kay Kristo?
Ano ka hilo?

_
  Topic: Pagtawag na Kuya kay Bro. Daniel Razon, mali ba?
teng

Replies: 39
Views: 2158

PostForum: MCGI Basic Doctrines   Posted: Fri Dec 11, 2009 5:57 pm   Subject: Re: Pagtawag na Kuya kay Bro. Daniel Razon, mali ba?
Brix wrote (View Post):

Bago tayo magkalimutan, paki sagot mo yung punto kung hindi mo alam kung pano magsulat ng sulat
nung unang panahon kaya hindi mo nagets na ang tawag ni Juan sa kanyang sarila ay ang Matanda.


Ok lang ako Brix, ang mga pinagsasagot mo wala sa hulog. Kung kapanalig kita, ikahihiya ko ang mga sagot mo … low IQ. Hindi naman katawagan yan na person to person kung paano mo tatawagin ang isang tao.  Yung pagkasabi niya na “matanda” ay kalagayan niya sa iglesia gaya ng guro, pinuno, ama etc. Wala namang tumawag kay Juan na person to person na “matandang juan”.

Quote:
Eh hindi naman nila ipinag-uutos na tawagin silang ganun eh. Patunayan mo na katawagan nila sa iglesia yun, bugok.


Bugok ka pala eh. Bakit hindi nila pinagbawal?
May tinanong rin si Soriano sa mga pari at ang sinagot nila ay hindi naman daw nila pinag uutos na mag-ritual ang mga deboto sa pagsusugat sa sarili at pagpapako sa krus… at ang sagot ni Soriano bakit hind ninyo ipagbawal? Yon rin ang sasabihin ko bakit hindi ninyo ipagbawal?

Quote:
Ano talata na ang kuya at ingkong ay katumbas ng pinuno o panginoon?


Ang salitang “kuya” at “ingkong” ay ginagamit ng mga pilipino. Kaya sa kaugaliang pilipino tayo babatay. Ang salitang kuya at ingkong ay maraming gamit sa salitang tagalog. Ipinantatawag ito sa nakatatandang kapatid sa laman o kamaganak. Ipinantatawag sa nakatatanda bilang paggalang. Ipinantatawag rin bilang boss sa grupo gaya ng amo o pinuno. Ang salitang ingkong ay galing sa salitang “ama”. Gaya rin ng kuya ang application na nagagamit sa pamilya, sa pinunong pinakamatanda, paggalang sa nakataas. Kaya hindi pwedeng ipantawag sa sinoman sa iglesia dahil walang gumawa nito na tawagin sila ng ganoon sa person to person.

Quote:
And account that the longsuffering of our Lord is salvation; even as our beloved brother Paul also according to the wisdom given unto him hath written unto you

Teng, kung ikaw ang huhusga bilang 3rd party, ano sasabihin mo sa sarili mo? Hahaha! TENGa!


Lumalabas ang katangan mo. Ano ginagaya na rin ba ninyo ang “Jesus Miracle Crusade”? Hindi naman katawagang person to person yan. Ang tawag diyan ipinatutungkol o addressing. Kaya nga tingnan mo sa tagalog …  “na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid”…
“Gaya rin ng ating minamahal na kapatid na si Pablo”… “minamahal na kapatid nating si Pablo”… “minamahal nating kapatid na si Pablo”. Ang layo ng piangsasabi mo. Wala akong nababasa na si Pedro tinawag na person to person si Pablo ng “Kapatid na Pablo” o “Apostol Pablo”na redundant na lang kung sasabihin pa o kaya ipantawag na ikapit sa kanilang pangalan gaya na “Apostol Pablo”, “Gurong Pablo”, “Pinunong Pablo”, “Amang Pablo” etc na gaya ng ginagawa ng mga ibang relihiyon.

Quote:
When I call to remembrance the unfeigned faith that is in thee, which dwelt first in thy grandmother
Lois, and thy mother Eunice; and I am persuaded that in thee also Ginamit ni Pablo ang salitang "grandmother". So kapag grandfather, hindi na pwede?


Anong klaseng palusot yan?
Siyempre may ama, ina, lolo, lola, lelang, ingkong tayo sa laman. At hindi kasama yon sa sinasabing ipantawag na person to person.

Quote:
Paanong nateknikal e si Eliphaz nga ang may sabi nun. Ikaw nga ang nateknikal ng may mabasa akong "Ang Mabuting Dating Daan." At ang isang napakagandang halimbawa ng nateknikal ay nang sabihin mong ang pinapalapit ng Dios sa Kanyang Sarili ay si Cristo! Amen?


Kung ang ipanangalan ninyo ay “Ang Mabuting Dating Daan” hindi kayo mateteknikal dahil naging specific kayo.  At dahil sa mas ginusto pa ni Soriano ang salitang “Ang Dating Daan” kaysa sa sinabi ng Diyos na kung ano ang sinabi na yon ang dapat sasalitain at huwag babawasan ni dadagdagan. At naging senario tuloy… may nasusulat na “Ang Dating Daan” nilalakaran ng mga masasama. Yung sinabi ni Eliphaz ay standa rin ng dalawa pang kaibigan dahil walang pagtutuwid na naganap sa dalawa. Kaya yung pinagsasabi ni Eliphaz ay ganoon rin ang stand ng dalawa.

Sige nga magbigay ka ng maling sinabi ng tatlo liban sa lahat ng paratang nila kay Job? Mali ang paratang ng 3 kay Job pero yung diwa kapag masama ang isang tao… lumalakad yon sa sinasabing ang dating daan na nilalakaran ng mga masasamang tao.

_
  Topic: Pagluhod sa Silangan
teng

Replies: 32
Views: 4145

PostForum: MCGI General Discussions   Posted: Fri Dec 11, 2009 5:48 pm   Subject: Re: Pagluhod sa Silangan
Brix wrote (View Post):
Teng, ano na nangyayari sa yo?  Di ka nanaman consistent, dun sa isang thread point by point ka sumagot pero sa 2 thread hindi na!  Hahaha!  At yung isang thread totally hindi mo nasagot!  Haha!


Wala ka ng pakialam roon. Ako sumasagot sa DAPAT kong sagutin.

Quote:
Palusot lang yan. Ipit ka lang kasi gaya ng hindi mo pagsagot dun sa punto na hindi si Cristo ang
papalapitin ng Dios dahil si Cristo, nung umpisa palang malapit na.


si Kristo ang prinsepeng tinutukoy, ang Anak ng Diyos. Mahina lang ang IQ mo sa biblia.
Ang papalapitin diyan ay bayan… mga tao. At ang gagawa niyan si Jesus.

Jer 30:21  At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
Jer 30:22  At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.

Ito ang sabi ni Santiago, hindi gaya ng kay Soriano…

Jam 4:8  Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang akala.

Sino ang makalalapit sa Ama kung hindi mo siya dadaan kay Jesus.

Quote:
Magkaiba yun. Sa diwa ng Biblia, masama ang ibig sabihin kung palaging patayo. Pero ang
pagharap namin sa Silangan ay walang masama dahil kayo mismo naniniwala na kahit saan
pwede humarap.


Ano kahit saan? Mali na haharap ka na lang kahit saan. Dahil may hindi dapat humarap sa mga bagay na pinagbabawal ng Diyos. Ang pagharap hindi tumutukoy sa direksiyon ng mundo na literal na haharap sa anomang direksiyon ng mundo o bagay. Ang bayan humaharap sa Diyos. Kaya kung humarap man ang mga Judio sa isang dako gaya ng Jerusalem dahil nasusulat walang Diyos sa ibang bayan liban sa Israel. Pero hindi na ganoon, kundi sa espiritu na at katotohanan.

Kaya yung pagharap ng ginagawa ninyo, ng mga Judio at Muslim, hindi na sinasang ayunan yon ng Diyos. Dahil may mas nananarap sa Espiirtu at Katotohanan. Kaya nga wala kayong mabasa may utos na ganoon ang Panginoon kundi ang sinasabi ninyong kaayusan… pero hindi ninyo maipaliwanag kung bakit may kaayusan. Ang tunay na may kaayusan… yung nababasa sa biblia na uugaliin sa loob ng igllesia. Sa biblia nga nasusulat na hindi pa maunawaan, eh di lalo na yungg hindi pa nakalagay sa biblia?

Quote:
Kung ang kapatid mahina ang pananampalataya at ayaw pang sumunod sa ginagawa ng
nakakarami, sususpindihin mo ba?


Kailangan na disiplinahin ang ayaw sumunod. Bakit hindi siya susunod kung ito ay utos na nagmumula sa Diyos?

Quote:
E kung natupad ang hula, e di malago na yun, bobo! Hahaha! Kaya nga natupad sa amin ang hula kung kelan malago na ang kaalaman at marami na ang nagpaparoot parito, ang mga natatakan sa biblia ay nabuksan na. Tupad na ang hula, yun ang ibig kong sabihin.

Pero yung iglesia hanggang ngayon dinadalisay pa. Kaya magkaiba yun. At pagkatapos ng pagpapadilisay, aagawin na, sa apalapaaap at sasa Panginoon na magpakailan man.


Bobo! Nagpapatawa ka ba? Puwes ang patawa mo corny.  Papaanong sa inyo natupad yan eh ang interpretasyon na lang ninyo galing impierno. Hindi naman industrial technology ang tinutukoy na kaalaman diyan gaya ng pasinungaling ni Soriano. Ang ang sinasabing kaalaman na lalago yung pagkaalam sa mabuti at masama.  Pang espirituwal na kaalaman yan.

Jer 5:1  Magsitakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, kung kayo'y makakasumpong ng tao, kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya.

Ang Jerusalem ay bayan ng Diyos. Inutusan sila na magsitakbo ng paroot parito at tingnan at alamin at hanapin ….kung  mayroong taong matatagpuan, na gumagawa ng katarungan at naghahanap ng katotohanan. Ang pagkawala ng salita ng Diyos ay tanda na walang gumagawa ng katarungan at sa katotohanan.  Yan ang inihula sa Daniel kaya ang salita ng Diyos nasarhan at natatakan. Nagkaroon ng blackout sa katotohanan o sa salita ng Diyos.

Amo 8:11  Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.
Amo 8:12  At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan.

Kaya hindi industrial technology ang tinutukoy gaya ng pakahulugan ni Soriano. Eh ang paliwanag ni Soriano parang INC na tangke de gera.

Quote:
Pero, bago tayo magkalimutan, yung stand mo na naganap yung sa Daniel sa Panahon ng mga Apostol. Eh yung panahon ng mga apostol kinukumpleto palang ang biblia, so lalabas, ang natatakan lang ay ang lumang tipan, ganun ba Teng?


Ang gulo mo. Huwag kang bumatay sa pinagsasabi ni soriano dahil maraming maling pinagsasabi yon. Ang pagbatayan mo ang biblia.  Ang ibig sabihin ng …

Sa Dan 12:4  …. at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito,

Ibig sabihin nagkaroon ng taggutom at uhaw sa salita ng Diyos. Marami ang magsisitakbo pero hindi nila masusumpungan.

Kapag dumating na ang takdang panahon sa pag aalis ng uhaw at gutom, ang kasunod… ang kaalaman ay lalago. Kaya lalago dahil masusumpungan na nila ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Kaya ang nakaunawa mga pantas pero ang mga masasama naging patalinhaga pa rin sa kanila ang salita ni Kristo. Sa pamamagitan ng mga salita ni Kristo marami ang pinaputi, dinalisay at luminis.

Quote:
Unawain mo nga yung diwa eh. Engot. Ngayon, sagutin mo tanong at huwag kang magpalusot, sa kanluran ba yun o sa silangan, SA PAGKAKATAWANG TAO, SAAN SA MUNDO NAGSIMULANG MANGARAL SI CRISTO?

Ikaw ang engot. Wala kanamang diwa eh. at saka wala kang sinabing sa pagkakatawang tao kaya ako sumagot na sa espiritu pa lang nagtuturo na si Kristo. Kaya bago ko saguting ang tanong mo… aminin mo muna na engot ka dahil wala kang sinabing sa pagkakatawang tao ang tinutukoy mo. Kapag hindi ka sumagot… hiindi rin ako sasagot.

_
 
Page 1 of 46 Goto page : 1, 2, 3 ... 44, 45, 46  Next
Time synchronized with your computer time
Jump to:  




Powered By: phpBB © 2001 - 2009 phpBB Group
RD-Pearl Theme By: Realm Designz
Copyright © 2009 RealmDesignz.com All Rights Reserved
Forums ©
Back To Top
  HOME  |  FILES  |  FORUMS  |  LINKS  |  ACCOUNT  
Copyright © Realm Designz 2007

[News Feed] [Forums Feed] [Downloads Feed] [Web Links Feed] [Validate robots.txt]

Produced Through The Help of The Almighty God
YirmeYah.NET


PHP-Nuke Copyright © 2006 by Francisco Burzi.
All logos, trademarks and posts in this site are property of their respective owners, all the rest © 2006 by the site owner.
Powered by Nuke Evolution 2.0.7 - Nuke-Evolution Xtreme 2.0 Edition.

This site is cached. Click here to update the cache.
[ Page Generation: 1.09 Seconds | Memory Usage: 10.46 MB | DB Queries: 83 ]

Do Not Click