Pagluhod sa Silangan
Isa sa mga paninirang ginawa ni Wilfredo Santiago upang pasamain ang aral ng Dios na hindi niya kayang tutulan nang harapan ay ang paniwalain ang mga taong nahibuan niya ng kaniyang maling aral dulot ng kaniyang pagkasinsay sa bibliya ay ang sabihin mali raw ang pagharap silangan.
Pero kung mismong ang argumento nila ang tatanungin ay sila mismo ang nagsabi na hindi isyu ang pagharap sa kahit anumang direksyon.

Kung hindi na pala isyu ang direksyon, bakit naman kaya tinututulan ni Wilfredo Santiago ito samantalang ang silangan ay isa rin direksyon? Sa puntong ito ay masasabi natin na nawawala na sa tamang daloy ng katuwiran si Wilfredo Santiago. Siya na mismo ang nagsabi na walang isyu sa direksyon kung kaya’t lumilitaw na hindi na rin dapat gawan ng isyu ang pagharap sa silangan sapagkat ito rin ay isang direksyon. Kung humarap tayo sa kanluran ay walang isyu dahil ito ay isang direksyon, kung humarap tayo sa hilaga ay wala rin isyu sapagkat ito ay isang direksyon, kung humarap tayo sa timugan ay walang isyu sapagkat ito ay isa rin direksyon, KUNG HUMARAP TAYO SA SILANGAN AY WALANG ISYU SAPAGKAT ITO AY ISANG DIREKSYON.
Pansinin natin ngayon ang pagkasinsay niya sa mga talata ng bibliya.

Pinagbibintangan tayo ni Wilfredo Santiago na kaya raw tayo humaharap sa silangan sapagkat sumasamba tayo sa araw. Ito nga ba ay totoo at kasangayon ng nakasulat sa banal na kasulatan na pilit niyang iminamali? Ginamit niya ang nakasulat sa Ezekiel 8:16-17.
(Ezekiel 8:16-17)
16 At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawang pu’t limang lalake, na sila’y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan. 17 Nang magkagayo’y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda, na sila’y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginagawa dito? sapagka’t kanilang pinuno ng karahasan ang lupa, at sila’y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit: at, narito, kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong.
Sa kabila nito ay kapuna-puna ang pagkakamaling kaniyang ginawa sa paggamit ng talata. Ang mga taong tinutukoy sa mga talata ay sumasadyang sumamba sa araw subalit ang kaniyang bintang sa samahan ng ADD ay “di sinasadyang pagsamba sa araw”. Pagdating sa diwa ng pagsadya na nakasulat sa mga talata at di pagsadya na ibinibintang niya ay hindi na magkatugma. Isang malinaw na pagdaraya at pagbaluktot sa talata na pilit isinasakay sa kaniyang maling diwa.
Nalimutan na yata ni Wilfredo Santiago na kahit sa gabi ay sa silangan pa rin nakaharap ang kapatiran. Kung ang kapatiran ay sumasamba sa araw ay dapat na sa kanluran na nakaharap ang mga kapatid sapagkat nakalubog na ang araw. Yan ang tunay na pagsamba sa literal na araw na kasuklam-suklam sa paningin ng Dios.
Subalit literal na araw lang ba ang araw na nakasulat sa bibliya?
Nalimutan na yata ni Wilfredo Santiago na sa bibliya ay merong tinutukoy na araw ng katuwiran.
(Malachi 4:2)
Nguni’t sa inyo na nangatatakot sa aking pangalan ay sisikat ang araw ng katuwiran na may kagalingan sa kaniyang mga pakpak; at kayo’y magsisilabas, at magsisiluksong parang guya mula sa silungan.
Ang araw ng katuwiran na tinutukoy sa talata ay si Cristo.
Sa puntong ito ay maaari na nating hintayin ang pagtutol ni Wilfredo Santiago. Tutulan niya na ang araw ng katuwiran na nakasulat sa bibliya ay si Cristo at saka natin ilalabas ang ibang batayan. Subalit alam kong batid ng ating kausap na mismong si Wilfredo Santiago ay naniniwala na ang araw ng katuwiran ay si Cristo. Ang pagsamba kay Cristo ay utos ng Dios sa bibliya. Kung meron man araw na sinasamba ang mga Cristiano sa panahong ito, iyon ay walang iba kundi ang araw ng katuwiran na si Cristo at hindi ang araw na literal.
Sa lathalang ito ay napatunayan natin na hindi tayo sumasamba sa literal na araw kagaya ng ginagawa ng mga taong binanggit sa Ezekiel 8:16-17 na sumasadyang sumamba sa literal na araw. Ang araw na ating sinasamba ay si Cristo dahil siya ang araw ng katuwiran.
Related posts:








Facebook comments: